Everybody calls me Guil. I'm 19 years old and I am an English Literature student from Ateneo de Manila University. Get to know more about me through my blog posts, my conversations with friends and also through my photos. Have fun with me and let's enjoy the ride. I am not really good at introductions but who cares? You can approach me anytime you like. Talk to me, share your experiences with me. If you have something to say, don't hesitate to say it to my face. That would be everything for now, alright? Party party. space Lovely People are here. free counters HTML hit counter - Quick-counter.net

Hindi pala ako pwedeng maging SUPERHERO. Kasi bukod sa ikaw ang kahinaan ko, di pa ako makalipad dahil lagi akong nahuhulog sayo.

Yung mga mag-iinarte bukas sa TSAMU, humanda kayo.

Hindi naman sa nananakot ako pero huwag masyadong pahalata ang kaartehan ah? Yung mga pa-special, umayos kayo. Yung mga may gustong sabihin, sabihin niyo lang para ma-aksyunan agad or kung di maganda sasabihin niyo, tumahimik na lang kayo. Ano pa ba? Kailangan daw ng cooperation diba kaya magcooperate kayo. Kapag sinabing pumunta dito, pumunta agad ng walang halong imbot at pag-aalinlangan. Nakikimeetup na lang nga kayo eh tapos aarte pa kayo ng pa-tantrums at pa-artista. Ako lang ang pwedeng mag-inarte, famous ako eh. Joke lang! Basta, sumunod lang tyo sa instructions. Pwede namang i-enjoy ang pagsunod sa mga instructions diba? Yes, tama yan. So ienjoy lang bukas and TSAMU experience at pag-uwi niyo, ikwento niyo na sa lahat ang mga masasayang ala-ala at mga reklamo niyo sa buhay. Joke! Sige, humanda kayo ah. Nasa tabi-tabi lang ako. Mag-oobserba sa mga bagay-bagay at maghahatid din naman ako ng tuwa at halakhak hanggang sa abot ng aking makakaya. Swerte niyo kapag nakapagpapicture pa tyo. Achievement yon guys. Mwa. Huwag kayong matakot sakin ah, mabait ako. :) Excited na ako bukas!

Wednesday, May 22, 2013

I’m back in Manila!

Kakarating ko lang dito sa mansion namin sa Marikina. Sobrang nakakatrauma ng trip namin papuntang Maynila kasi habang nasa bus kami sa may Camarines Norte, may nambato. Nabasag yung window sa may likod namin ng kapatid ko. Buong byahe takot na takot kami kasi matatanggal na yung bintana sa pinakalikod. So hawak galore yung brother ko ng kurtina para di pumasok yung hangin. Basta, di ako nakatulog ng maayos sa sobrang takot at kaba. Buti na lang nakauwi na kami dito. Ayos na ang lahat. 

Good morning sa inyong lahat. Ang haggard ko lang.

Tuesday, May 21, 2013

Hey! Last day ko na dito sa Masbate. Mamayang 2pm, aalis na kami ng kapatid ko pabalik ng Maynila. Malapit na ang pasukan at aasikasuhin na namin ang aming mga dapat gawin para sa enrollment at iba pa. Syempre, gusto ko na ring makasama yung mga kaibigan ko at gala gala na talaga. Mamimiss ko tong hometown ko syempre kaso wala na masyadong magawa dito eh. I need to expose myself to something new and fresh naman for a change. Hehe. So yun, nakapag-empake na kami at naghihintay na lang na dumating ang takdang oras ng paglisan. Sa October na naman kami babalik dito so limang buwan akong mawawala. Okay lang, nasa ikaapat na taon naman na ako sa kolehiyo. Huling dalawang semestre na lang at magtatapos na ako! Nakakaexcite na medyo nakakakaba rin pero kakayanin. Kaya ko to! 

Kitakits na lang sa inyo ah!

May mga tao na kapag finollow mo na, hindi na magpaparamdam sayo.

Where there is desire, there is gonna be a flame. Where there is a flame, someone’s bound to get burned. But just because it burns doesn’t mean you’re gonna die. You’ve gotta get up and try, try, try.

Sunday, May 19, 2013

Good morning. Ang tagal ko ring nawala diba? Kasi naman yung internet namin nakakainis. Bigla na lang mawawala tapos kapag meron na ulit, ang bagal naman so nainis na ako, di na ako nag-online. Nag-unwind na lang ako sa pamamagitan ng pagsusulat, paglalaro ng baraha, panonood ng TV at pakikinig sa mga paborito kong mga kanta. Ang saya rin pala. Take note, hindi ko sinama ang pagkain kasi masakit ngipin ko. Bagong adjust yung braces eh. Wow. More than 2 years na akong may braces ah. Amazing lang. 2 years na rin akong naghihirap. Hahaha! Anyway, gusto ko lang magkwento. Tsaka gusto ko lang malaman niyo na buhay pa ako. Mwa! Ingat kayong lahat!

Friday, May 17, 2013

Ang sayang makamove-on sa buhay. Try mo kaya.

Good morning. Happy weekend! Uuwi na ba ako ng Manila? Hmm. Papalapit na ang pasukan at bago yan, may meetup pa. Yung TSAMU ba yon? Pupunta kaya ako? Hm. Sa totoo lang ayoko pang bumalik ng Maynila kasi kahit bored na bored ako dito sa Masbate, mas gusto ko dito kasi tahimik lang at nagagawa ko yung mga bagay na di ko nagagawa sa Manila. So yun. Pero ewan, part of me wants to stay, pero may part din na sabik nang bumalik. Bahala na. :(

Thursday, May 16, 2013

Umm excuse me? Nag fan mail ka sakin tapos sinasabi mong ifollow back kita? Ehem. You must be new here. At talagang sakin mo pa ginawa yan ah. Hala siya. Naku, naku, naku naman. Ipush mo yan ha? Hindi kasi ako nagfafollow back ng mga hindi ko pa nakikilala talaga ng grabe. At mas lalong hindi ako nagfafollow back ng mga nagsasabi saking ifollow back ko sila. So, pasensya na. Bye!

Yang mga sinasabi mong yan, nasabi na namin yan. Nakakasawa na. Wala na bang bago?

Candice Glover is the new American Idol. Yey!

Sobrang saya ko omg! Ngayon na lang ulit nanalo yung favorite ko. Shet. I love love love love Candice! Ang ganda ng song niya na “I Am Beautiful”. Lahat makakarelate. One of the best idols ever!

The longer I don’t see or interact with my friends, the farther we grow apart. I feel like as time passes by and we don’t see each other anymore, we are not as close as we were before. There’s a gap that separates us from each other and the gap is getting bigger and bigger and farther and farther. Even though I try to reconnect as much as I could, some would respond to me. Some would really give a considerable amount of time to talk and I really appreciate the effort. However, there are those who will never reply. It makes me sad thinking that we were close before but now, we don’t even know each other, it feels like. I did everything I could but I guess I gotta give them time or space if that’s what they needed. I’m still thankful that I still have more friends to lean on to and to share stories with right now. I will try my best to not stretch the gap if there is one. I love my friends!

Wednesday, May 15, 2013

Hello. If there’s anything you’d like to say or ask me, just send me a message. I would love to interact more with you guys. I miss having long conversations over the Tumblr Ask feature or the fan mail and everything. I miss sharing stories and learning from all of you as well. I’m getting tired of the casual conversations like “kamusta?”, “hi”, “hello” and stuff like that. I like a good conversation, a real one. A genuine kind of discourse between one person and another. So, tell me something, or ask me about anything you please. Here’s the link: http://guiltytoledo.tumblr.com/ask

Dati uso yung “Recommend Blogs” tapos yung mga may pera and everything, sila yung nafifeature kasi may mga sticker sticker pa silang nalalaman. Ngayon, uso ang promote blogs, describe blogs at kung ano ano pang churva blogs na yan. Wala. Parang hindi naman masyadong magkaiba yung purpose ng dalawa pero parang iba pa rin nung time na uso pa magrecommend recommend. Hayyy. 

 
Next page