Everybody calls me Guil. I'm 19 years old and I am an English Literature student from Ateneo de Manila University. Get to know more about me through my blog posts, my conversations with friends and also through my photos. Have fun with me and let's enjoy the ride. I am not really good at introductions but who cares? You can approach me anytime you like. Talk to me, share your experiences with me. If you have something to say, don't hesitate to say it to my face. That would be everything for now, alright? Party party.
space
Lovely People
are here.
Biglang sumagi sa isipan ko (yes, may isip ako) kung kaya magiging itsura ko kapag tinanggal na yung braces ko. Woah. 1 year na lang ang “contract” ko with my braces and so far, okay naman na yung ngipin ko compared dati na sungki-sungki at hiwa-hiwalay and everything. At least ngayon, may improvement na talaga. Massive improvement. Hala. Magiging super pouty na ng bibig ko. Natural na yun kasi ewan. Basta. DI ko ma-explain. Syempre, kitang-kita na yung ngipin ko ngayon di tulad ng tinatago ng braces ko yung buong ngipin. Ermegerd. Mas kailangan ko pang maglinis ng ngipin slash toothbrush nito. What. Excited na ako na matanggal yung braces ko. wooo. Sana success ang treatment.
Excuse the title. Walang kwenta. Wala akong maisip eh. Mwa.
Newly-adjusted braces + rubbers sa taas at sa gilid sa baba. Sobrang sakit ng ngipin ko kaya hindi ako makakain. LITERAL. Hindi ko talaga kayang kumain. Inom inom na lang. Hahaha! Sana mag-uwi ng Ice Cream si Mommy! Huuhuu. Pero, ayos lang. Worth it naman ng hirap kasi sabi ng dentista ko maayos na daw ang ngipin ko! Nakakatuwa talaga. :)
Braces?
- Pampagwapo/Pampaganda?
- Cool/Astig.
Akala pamorma lang? Akala di masakit?
- Adjust every month. Halos di ka makakain ng kahit ano. Noodles nga hirap na hirap ka pa. Tengene.
- YUNG PALAGING MAY SINGAW. ITO TALAGA. ANG SAKIT.
- YUNG KAINAN ANG TAGAL MO KASI ANG DAMING SABIT.
Itrend na yan. #BraceProblems
So, mga 4pm ako pumunta sa dentist ko. Hindi naman kalayuan ang clinic niya pero medyo labas kasi sa siyudad kaya medyo mahirap pumunta. Twenty pesos pa ang binayad ko imbis na eight pesos kasi mag-isa lang ako. Nakakainis.
Pagdating ko doon, umupo na agad ako dun sa inuupuan ng mga pasyente at sinimulan na ang proseso.
Ngayon medyo kumikirot pa rin yung mga ngipin ko dahil nga sa newly-adjusted braces. Hirap na naman akong kumain at magsalita nito dahil pati yung gilagid ko, mag-aadjust na naman. Okay lang, para naman ito sa ikagaganda ng ngipin ko. Hahamakin ko ang lahat. Hahaha.
So, today’s the day. Babalik na ako ng Masbate for summer. Sa May or June pa ako makakabalik. Kitakits na lang. Marami akong mamimiss. Syempre, hindi naman ako mawawala sa Tumblr kasi araw-araw pa rin akong magpopost at magpapasaya sa inyo. Taray diba? MIA nga lang ako sa mga meetups ngayong bakasyon. Pahinga-pahinga din. :D
Ingat kayong lahat! Ingat din ako. Mahal ko kayo. SOBRANG MAMIMISS KO KAYO! See you all soon! Pramis. Mwah mwah tsup tsup! Mabuhay!
This is final. Makakapunta na nga talaga ako sa Hunger Games Meetup. Hehehehe. Medyo nagkaconflict kasi ako eh pero it was resolved na. So, sa mga pupunta sa 24, SEE YOU ALL!! Excited na ako. :))
By wireless, I mean tinanggal ko talaga yung wire ng braces ko sa bottom teeth ko. Hahaha. Hindi naman sa trip trip ko lang eh kasi naman medyo nabuksan yung lock sa gilid so nakatakas yung wire. (Nakatakas talaga). Eh tumutusok siya sa gilagid kaya tinanggal ko na yung buong wire. Sa last week pa ng March ako magpapadentist dahil nasa probinsya yung dentist ko. Haynako. Wala akong pakialam. Like A Boss. Maayos ang ngipin ko kahit wireless sa baba. WAHAHA!
Sali po ako, ang pogi ko! Hahahah
BRACEKADA BOYS = Mga pogi at gwapo!! HAHAHA! Palag?!
Wala lang. Share ko lang. Kaya medyo tumutusok yung wire sa gilagid ko at the moment. Masakit. Di na naman ako makadaldal nito kasi tumutusok siya kapag nagsasalita ako. Eh kasi naman, SISIG ang ulam namin nung isang gabi kaya todo lamon ako wala akong pakialam sa mundo basta nguya lang ako ng nguya at nilalasap ang nasabing pagkain. Ayun, habang ngumunguya ako, narealize ko na may something na matigas, so ayun pagtingin ko, bracket nga. HAYNAKO. Bahala na. Ipapakabit ko na lang siya soon para reunited na siya sa mga kapwa bracet niya diba? Happy family na ulit sila sa ngipin ko. HAHA.
Wala lang. Lahat kayo na mga nakabonding ko na at some point, miss ko na kayo. Sana lahat kayo ay makita kong muli. As in lahat kayo talaga magkakasama sa iisang oras at lugar. BONDING TO THE MAX TALAGA. Hahaha. Charot. Hindi ata possible na lahat kayo ay magsama-sama diba. Pero, why not? Uhm, ayun. Nag-eemote na naman ako dahil forever alone ako dito sa school pati na rin sa bahay. :(
I miss you all! See you soon. :”>